ngumiti ito sa kanya. Hindi pa rin makapagsalita si Henry, titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng kanyang tagapagligtas. Napakaganda at napakabango ng babae. Ano kaya ang gamit nitong perfume, tanong ni Henry sa sarili niya. Maya-maya ay bahagyang umaangat uli ang babae, umaangat ng umangat at ilang sandali lang ay marahan itong lumipad ng patayo at paatras, umatras pa ito nang umatras at nagitla si Henry sa nakita sa malapit sa harapan niya. Unti-unting lumipad ang napakagandang babae pababa sa isang kalahating putol na katawan.
Matapos muling magkadugtong ang dalawang putol na bahagi ng katawan ng babae ay unti-unting naglaho ang dalawang pakpak nito. Nanlaki ang mga mata ni Henry nang maunawaang ang babaeng nagligtas sa kanya ay isang manananggal.
"Isa kang mananggal!" napasigaw si Henry sa sobrang gulat nito.