"Ang ganda naman ng reception, ang linaw-linaw, hindi ba ma?" tanong nito sa kadarating pa lang na ina.
"Oo nga ano mabuti at ito ang napiling bilhin ng papa niyo, ang linaw-linaw saka buhay na buhay ang mga kulay," pansin ng ina ng bata.
"Ako rin natutuwa ako na ito ang binili ng papa ang ganda-ganda kasi ng sounds."
"Uy mukhang napagod ka yata, anak kumuha ka nga muna ng orange juice sa ref at ibigay mo sa binatang ito."
"Naku salamat ho nauuhaw na po akong talaga."
"O ito inom ka, masarap to," alok ng tuwang-tuwang bata.
"Masarap nga salamat ha."
"Delivery man ka bang talaga ha?" tanong ng nanay ng bata.
"Opo."
"Talaga kasi sa hitsura mo at sa tindig mo, mukha kang