kabilang bahagi ng bilog na mesa.
"Bumalik ka, hindi ka na ba natatakot sa 'kin?" tanong ng magandang babae kay Henry.
"Hindi na, kunti na lang siguro," nag-aalangang sagot ni Henry.
"Ayaw mo bang maupo, natatakot ka bang kainin kita, ha?"
"Kung hindi mo ako iniligtas kanina ay marahil wala na rin ako, kaya kung kakainin mo man ako ngayon ay wala akong karapatang magalit, magtatampo lang siguro nang kunti," nag-aatubiling biro nito.
Napangiti nang bahagya ang magandang babae sa narinig kay Henry.
"Maupo ka, siguro naman napapansin mo na hindi bagay sa hitsura ko ang kumain ng tao."
"Oo naman, talagang hindi bagay," mabilis na sagot ni