"Parang hindi naman, maski naman mahihirap nakakain din niyan nakikita ko sa may palengke sa may amin."
"Oy kanina ko pa napapansin bakit may mga batang nagtitinda ng mga pulang bulaklak
at mukhang marami ang gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
at mukhang marami ang gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
"Kwan kasi ngayon Valentine's Day," sagot ng natatawang batang babae. "Siguro hindi mo na naman alam 'yon no. "
"Ha naririnig ko na rin 'yan dati, pero hindi ko lang alam masyado kong ano ang ginagawa tuwing Valentine's Day."
"Naku naman sigi na nga kwan kasi 'yan araw ng mga puso, ng mga taong nagmamahalan, ganon." paliwanag nito." Gaya ng mga magulang ko dati, pag ganitong araw binibigyan ni papa ang