"Baket ano bang gusto mong gawin sa loob ng bahay ko, ha?" nagtatakang tanong ni Aryanna na gumagamit ng Knorr tuwing
nagluluto ng sinigang.
"Maglalaro tayo, takutan..." biro ni Henry. "Hindi, 'di ba sabi mo nagluluto ka ng manok at baboy, baka pwede mo akong pakainin muna, nagutom at nauhaw kasi ako sa kakatakbo ko kanina," paliwanag pa nito.
"O sigi halika sa loob at ipaghahain kita."
Matapos nilang kumain at mga ilang araw na usapan, kwentuhan at kulitan, si Henry at si Aryanna ay hindi na masyadong naglalabas ng bahay. Sa madaling salita, makalipas ang mga sampung buwan, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang napakalusog at napaka-guapong batang lalake.