maghain na muna ako ng pagkain, bago kami umalis kanina ay nagluto muna ako para may makain si Eric sa pag-uwi galing trabaho," sabi ni Cristina habang tumatayo mula sa kinauupuan. "Paano maiwan ko muna kayong mag-tiyo Xandro at iinitin ko lang sandali ang pagkain."
"Sigi Cristina bumalik ka agad rito't nagugutom na rin talaga ako," sagot ni Eric sa asawa. "Alam mo Xandro matapos ang isang linggo ay binalikan agad kita sa may estasyon ng train, pero wala ka na, nagtanong-tanong ako sa mga batang nagbebenta roon ng kung anu-ano sabi nila may napansin silang kahawig ng deskripyon ko sa 'yo pero bigla ka na lang raw nawala at hindi alam kung saan ka na napunta."
"Kwan siguro ang mga 'yon, kasi habang hinihintay ko ang pagbabalik mo ginaya ko ang ibang mga bata roon nagbebenta rin ako ng dyaryo para may pangkain ako. Tapos isang araw pumasok