Basta iho Xandro napatawad mo na ako ha?" tanong ulit ni Cristina kay Xandro.
            "Oho wala na ho talaga sa 'kin yon, saka masaya ako na may dalawa na pala akong pinsang ang popogi," sagot ni Xandro habang tinitingnan ang dalawang kambal na kanina pa nakikinig sa usapan nilang tatlo.
            "Aba pinsan ka pala namin, buti naman at may iba na akong makakalaro, nakakasawa na kasi itong isang 'to," biro ni Tonton sa kakambal.
            "Kung nagsasawa ka na sa akin, eh di nagsasawa ka na rin sa pagmumukha mo, kamukha kaya tayo," ganting biro ni Ron-ron sa kapatid.  
           Natawa na lang si Xandro sa kakulitan ng dalawang cute na cute na mga bata.
           "Siyanga pala malapit ng mag ala-siete mas mabuti pa'y