ako sa loob ng train para magbenta nga ng dyaryo, tapos sa pagod ay parang inantok ako at paggising ko nasa Maynila na ako. Naisip ko rin na baka andito ka na, kasi dito rin naman ang tungo natin noon. Nagbakasakali ako na baka dito mo na rin ako hanapin, kaya dito na rin ako nanirahan," mahabang salaysay nito sa Tiyo Eric niya.
"Sandali ilalapag ko lang itong pagkain diyan sa may lamesa, at nang makakain na kayong dalawa," sabi ni Cristina.
"Nang nandito ka na sa Maynila Xandro, hindi ka ba nahirapan, mahirap dito sa Maynila kailangang magsipag kang talaga para mabuhay," dagdag pa ni Eric.
"Nahirapan din sa umpisa pero nasanay na rin sa kinalaunan.
Noong una ay sinubukan ko ulit magbenta ng mga dyaryo, tapos nagbenta rin ako ng marami at ibat-ibang klase ng candies.