mabuti, napansin niyang hanggang balikat ang makintab na buhok nito, hindi niya masyadong makita ng hitsura nito dahil medyo nakatagilid ito ng kunti, pero sa tantya niya maganda ito.
"Pasensya ka na pinaghintay kita, may iniuutos pa kasi ako sa isang empleyado ko, este makakasama mo rito sa tindahan ko," salubong agad ni Veronica sa nagligtas sa kanya.
"Ha makakasama ibig mong sabihin tanggap na agad ako wala nang interview-interview pa ha?" medyo nahihiyang tanong nito.
"Wala na, saka sa ginawa mong tulong sa akin kanina at nakausap na rin naman kita kahit papano kaninang umaga hindi na kailangan, may tiwala na agad ako sa iyo," sagot nito.
"Ito nga po pala ang Resume ko saka driver's license," sabi ni Xandro habang inaabot ang isang envelope kay Veronica.
Tiningnan niya ang mga laman nito sandali at agad na senensyasang palapit ang babaeng kanina pa pinagmamasdan ni