Xandro.  Nang mapansin ito ng babae ay dali-dali itong tumayo at lumapit sa kinatatayuan nila.  Nang makalapit na ito ay agad itong ngumiti kay Veronica at tiningnan sandali si Xandro.  "May kasama ka pala Vero, ano bagong empleyado ba siya, ha?" tanong naman agad nito.
          "Oo siya yong kinukwento ko sa iyong bumawi  sa bag ko  mula sa snatcher," pagtatapat ni Veronica sa kaibigan. "Ito ang resume niya, pakitabi na lang sa mga records mo ha.  Saka ito pala si Lynette, kaibigan ko saka magiging supervisor mo Xandro."
          "Good afternoon ho m'am," greeting naman agad ni Xandro sa magandang babae.
          "Good afternoon din sa 'yo," bati din ng babae.  Tiningnan siya ng mabuti ng babae tapos ay tumalikod na para i-file ang mga records ni Xandro.