ayos din tong gel ko ah, hindi man lang nagalaw ang buhok ko kahit ang lakas-lakas pa ng hangin. Maya-maya ay narating na niya ang itinurong lugar ni Veronica, binasa niya ang malaking signage nito.
"Veron Appliance Center," basa ni Xandro habang nakangiting nakatingala rito. Sana matanggap ako para dito na ako makapagtrabaho.
Binuksan niya nang dahan-dahan ang malaking glass na pintuan. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Veronica na may kinakausap na nakaunipormeng lalake at nang mapansin siya nito ay agad siyang nginitian at senenyasang umupo muna. Naupo naman agad si Xandro at pinagmasdan niyang mabuti ang palibot ng tindahan, nakita niya ang napakaraming mga branded na appliances gaya ng Tv, refrigerator, aircon,DVD, washing machine, microwave oven at marami pang iba. Tapos sa isang sulok ay may nakita siyang isang babaeng nagko-computer. Pinagmasdan niya itong