nito. At maging sa iba't ibang bansa ay sinisimulan na rin itong ibalita sa mga oras na ito," dagdag pa ni Veronica. "Si Lynette kaya nakita rin kaya ito... Sigi maiwan na kita at tatawagan ko si Lynette at tatanungin kong napanood niya rin ito.
Nang mabanggit ang pangalan ni Lynette ay hindi mapigilan ni Xandro na mapangiti. Mga ilang oras na ang nakalilipas ngunit patuloy pa rin ang maya't mayang pagbabalita, sa lahat ng mga Tv Channels, sa ginawang paglipad ni Xander sa mga nakabukas na Tv sa Veron Appliance Center. Nanatiling nakaupo si Xander habang pinapanuod ang maya't mayang pagbabalita balita tungkol sa kanya.
May mag-asawang pumasok at bumili ng washing Machine. Kinarga naman agad ito ni Xandro at dinala papasok sa malaking truck ng mag-asawa. Pagkatapos makapagpaalam ay agad namang bumalik ni Xander sa loob ng Veron Appliance Center. Mag-aala-