lumpia na lang ang kulang," pabirong sagot ni Xander kay Althea.
"Ano!"
"Saka dagdagan mo na rin ng ketchup para lalong sumarap," biro muli ni Xander.
"Vampira umalis ka rito sinabi!" sigaw nang naiinis na si Althea habang muling pumapasok sa loob ng kanyang bahay.
Umakyat muli sa ikalawang palapag ng kanyang bahay si Althea nang bigla siyang may maalala. Paglingon ni Althea sa may bintana ay muli niyang nakitang nakalutang sa labas nito si Xander.
"Mahal suli ko na sa 'yo tong lata ng mga potato chips at choco wafer sticks mo, sayang naman marami pang laman," biro uli ni Xander.
"Iyo na 'yan, marami pa ako niyan, ubusin mong lahat, magka-cavities ka sana!"
Sa halip ay nginitian lang ni Xander si Althea at ipinakita