kaligayahan. Lumipad ulit siya ng pagkabilis-bilis at maya-maya'y nagpaikot-ikot
Malayo na ang nararating niya kaya nagpasya na siyang bumalik sa syudad, upang muling makita ang mga nanggandahang gusali at kalsada ng Maynila. Natuwa siya sa hili-hilira ng ibat ibang klase ng mamahaling kotse at ibang uri ng sasakyan. Tumigil siya sa itaas at pinagmasdan ang kagandahan ng buong Luneta, nakita niya ang maraming taong namamasyal kasama ang kani-kanilang pamilya, masayang-masaya habang kumakain ng pizza, lechon manok at umiinom ng tea, soda, juice, at softdrink. Napansin niyang mas maganda pala ang fountain sa gitna kapag pinagmamasdan ito mula sa himpapawid. Marami sa mga namamasyal ay nakasuot ng isang kilalang brand ng T-Shirt, at jeans. Lumipad ulit siya nang lumipad nang pagkabilis-bilis, narating niya ang ibabaw ng kanyang pinagtratrabahuang appliance