Lumipad siya ng lumipad, ramdam niya ang malakas at malamig na ihip ng hangin sa kanyang mga pisngi. Tanaw niya ang naggagandahang mga gusali at mga ilaw sa paligid. Nakita rin niya ang malaking Billboard ng isang kilalang brand ng multi-vitamins. Sinubukan niyang lumiko pabalik sa pinanggalingan niya. Lumipad ulit siya ng lumipad. Lumipad siya ng pagkabilis-bilis at biglang huminto sa himpapawid, tumayo ng nakatuwid at inilagay ang mga kamay sa kanyang mga beywang. Ganito pala kasarap ang lumipad. Maya-maya ay lumipad ulit siya nang pagkabilis-bilis hanggang marating niya ang ibabaw ng malawak na karagatan. Tanaw niya ang napakalaki at napakagandang barko na may makukulay na mga ilaw, nakakita rin siya ng iilang grupo ng mga mangingisda sakay ng kanilang maliliit na bangka na naglalayag gamit ang kanilang mga lampara na binili sa loob ng mall. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kalayaan at