center at naisip na bukas... bukas ay makikita kong muli ang babaeng aking pinakamamahal na si Althea.
Maya-maya habang nakatayo sa himpapawid at nakalaylay ang dalawang mga braso sa kanyang tagiliran, tila may nag-udyok sa kanya na ibuka nang mabilis at malakas ang kanyang dalawang mga kamay, may naramdaman siyang pwersa mula sa itaas at gitna ng kanyang dibdib. Mula rito ay biglang lumabas ang isang kulay orange at manipis na manipis na lubid, para itong mga sinulid na pinagbuhol-buhol sa isa't isa. Tiningnan itong maigi ni Zander, umabot hanggang mga sampung talampakan ang haba nito, habang parang may sariling buhay na kumikilos sa himpapawid. Maya-maya tiningnan ni Zandro ang kanyang isang paa, pero imbis na makita ito ay ang loob lamang ng kanyang sapatos ang kanyang nakita, nangiti lang siya, huminga siya nang malalim at mabilis na pumasok paloob ang manipis na lubid. Nagpasyang bumalik na sa