II

            Makalipas ang labing-apat na taon.

            "Wake up!" sigaw ng isang babae. "Tanghaling tapat na natutulog ka pa rin, gumising ka nga't magbayad ka na ng renta!"
            "Manang Lucy naman natutulog ang tao, istorbo ka naman,"  sabi ng kakagising pa lang na si Xandro.
            "Hoy bago ka matulog akin ng bayad mo sa renta dito sa boarding house ko," utos ni Manang Lucy kay Xandro.
            "Saka na lang muna Manang Lucy kulang pa 'tong pera ko," pakiusap nito.
         "Hindi ngayon ka na magbayad sinabi."
         "Nakakainis ka na manang ha sigi pag-nainis na talaga ako ng tuluyan, lilipat na ako sa ibang boarding house."