batang babae at tinanong ang batang lalake.  "Hoy ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito habang paingay ng paingay ang train at unti-unting bumibilis ang takbo nito.
           "Ako, ako si Xandro, Xandro!" sigaw ng batang lalake habang dahan-dahang hinahabol ang papaalis na train. 
           "Xando,  Xando pala pangalan mo!" sigaw ulit ng batang babae.
           "Oo Xandro pangalan ko!" sigaw nito pabalik sa batang babae.
           "Okey Xando, hintayin mo pagbalik ko!"
           "Sigi hintayin kita pangako!"
           Nang makaalis na ang train ay nanatiling nakaupo ang batang lalake at hinintay nang hinintay ang nawawalang tito.