hindi pa kasi ako nakakapag-almusal mula kanina pagkagising ko. Masarap ba 'yan ha, ngayon lang kasi ako makakakain niyan eh," nahihiyang pag-amin nito.
"Talaga ngayon ka pa lang
makakakain nito, eh di sigi kain ka o sabay na tayong dalawa, " alok ng batang babae habang sinimulang kainin ang isa pang hamburger. "Hindi ka siguro inaalagaan ng tito mo kaya hindi ka pa nakakakain ng hamburger ano?"

"Hindi mabait 'yon, inaalagaan ako noon kaya lang ang palaging ibinibigay sa akin noon ay poro ensaymada, puto, bibingka, biko, mangga at ice cream na benebenta ng mga vendors. Salamat ha, naku ang sarap pala nito, pangmayaman siguro to no?" pansin ng batang lalake.