ng kakaiyak.  Maya-maya ay may lumapit sa kanyang isang batang babae , tiningnan siya sandali at naupo sa kanyang tabi. Napansin ng batang lalake ang magandang batang babaeng tumabi sa kanya. Kaya tinanong niya ito
kung nakita ba niya ang Tito Eric niya, "Hoy bata nakita mo ba ang Tito Eric ko ha?" 
          "Hindi saka hindi ko naman kilala tito mo ah, kaya ka pala mukhang nag-aalala ay dahil hinahanap mo tito mo, naiwan ka siguro niya ano?  tanong nito.  "Sandali ano pala pangalan mo ha, ako si Althea ikaw?" tanong pa ulit nito. "Sandali, nagugutom ka ano, sigi sa iyo na itong isang hamburger ko tutal dalawa naman to eh."
           "Talaga akin na lang yan, nagugutom na rin talaga ako eh