Henry. "At ba't ka ba lingon ng lingon sa paligid na parang may kinatatakutan ka?"
"Nahanap na nila ako Henry, alam na nila kung saan ako nagtatago at nag-aalala ako na baka madamay ka pa kaya mas mabuti pang dalhin mo na si Xander pababa ng bundok at iwan niyo na akong mag-isa rito. Dahil tiyak ko na mamayang gabi ay darating na sila para tapusin na ang buhay ko.
"Hindi kita iiwan dito Althea kahit anong mangyari ay magsasama tayong tatlo nina Xander, hindi ako papayag na magkahiwa-hiwalay tayo."
"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa kuya, at parang natatakot na tuloy ako?" sabat ng kapatid ni Henry.
"Di ba sabi ko sa iyo dati pa, hindi pangkaraniwang babae si Althea."