"Oo nabanggit mo nga sa akin, pero hindi mo naman naipaliwanag kung baket." sagot ng kapatid.
           "Si Althea ay isang manananggal, pero isa siyang mabuting nilalang, hindi siya nanakit ng tao," paniniguro nito sa kapatid.
           "Linoloko mo yata ako kuya, papaanong ang ganitong kagandang babae ay magiging isang manananggal, ha?"
           Ipinaliwanag ni Henry at Aryanna ang lahat sa kapatid ni Henry. Subalit matapos nitong marinig ang lahat ay parang hindi pa rin ito makapaniwala.
           "Totoo ang lahat nang sinasabi namin sa 'yo, maniwala ka," sabi ni Henry.
           "Bumaba na kayo ng bundok hanggat may oras pa Henry, iwan niyo na ako rito, iligtas mo ang anak natin, pakiusap," pagsusumamo ni Althea.