IV
              Pagkabalik ni Xandro sa boarding house nila ay agad itong naligo at nagpalit ng damit.  Alin kaya dito ang isusuot ko, ito na lang munang jeans saka itong light blue na polo.  Matapos niya itong isuot ay tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.  Natuwa siya  sa nakita niya, bumagay kasi sa mestizo niyang hitsura ang suot niya.  Siguro pwede na to, hindi na nakakahiyang humarap pagkana-interview ako mamaya.  Matapos niyang isuot ang kanyang rubber shoes ay umalis na agad siya ng bahay at nagpunta sa hintayan ng jeep.  Pagkasakay niya sa front seat ay tiningnan niyang mabuti ang buhok niya kung hindi ba nagulo ng hangin.  Aba