ang pagbabalik ko, nangako kasi siyang hihintayin ako pagbalik ko galing America,"  sagot ni Lynette.
            Hindi makapaniwala sa mga narinig si Xandro.
            "Hoy Lynette Althea Jones, mga bata pa kayo noon, baka nga nakalimutan ka na noon eh."
             "Hindi,  naniniwala akong tutuparin ni Xando ang pangako niya sa akin habang hinahabol ang sinasakyan naming train, kaya pupunta ako uli at magbabakasakali."
             Tama hindi niya siguro ako masyadong narinig dahil sa sobrang ingay noon ng papaalis na train, kaya Xando ang dinig niya nang isigaw ko ang pangalan kong Xandro.  Tuwang-tuwa si Xandro sa nalaman niya, hindi niya maubos-maisip na nakita na pala niyang muli ang babaeng matagal na niyang pinapangarap makita.