ang resibo pirmado na 'yan."
"O sigi ako nang bahala rito," sabi ng Saleslady tapos ay agad naman itong bumalik sa pwesto niya. Naiwan si Xandrong nakaupo sa malaking sofa. Tiningnan niya ang mesa ni Lynette, pero wala ito, kaya tumingin-tingin siya sa palibot ng tindahan. Napansin niyang may isang maliit na kwarto at medyo nakabukas ang pintuan. Naisip niya na baka ito ang opisina ni Veronica kaya dahan-dahan niya itong nilapitan para ipaalam sana na nakabalik na siya. Pagkalapit niya sa pintuan ay narinig niya si Veronica na kinakausap si Lynette. Nag-alangan siyang kumatok o pumasok dahil baka makaistorbo pa siya.
"Babalik ka na naman ng train station at magbabakasakaling andoon si Xando mo, ha Althea?"
"Oo susubukan ko uli baka andoon na si Xando at hinihintay