"Ang mabuti pa samahan na lang kita roon at baka madisgrasya ka pa," payo ni Veronica sa kaibigan. "Saka ba't gabi, hindi ba't umaga noon nang magkita kayo."
"Wala nasubukan ko na kasing magpunta roon ng umaga pero hindi siya dumating, kaya naisip ko na baka may trabaho na rin siya at sa gabi lang siya libri, kaya susubukan ko mamaya."
"Sandali Lynette Birthday pala ngayon ng mommy at inaasahan ka rin niyang dumalo kaya bukas ka na lang ng gabi makipagkita kay Xando. Pero bukas pangako, ihahatid kita sa train station at hihintayin sa loob ng sasasakyan ko, pero hanggang alas-dyes lang tayo maghihintay, tandaan mo may trabaho ka pa, tayo bukas."
"Sigi dumalo muna tayo sa Birthday party ni tita at bukas na lang tayo magpunta sa may train station para makilala mo na rin