Kinalaunan naglalako na rin ako ng Pretzel, Potato Chips at marami pang iba. Nang lumaki-laki na ako, nasubukan ko ring magkargador sa palengke, gasoline boy, hangang sa mag-waiter din ako sa isang Fast Food Chain. Dinaan ko lang talaga lahat sa sipag gaya nang pangaral mo sa akin noong maliit pa ako sa probinsya."
"Mabuti naman pala at nakaya mong itaguyod ang sarili mo, alalang-alala pa naman ako sa 'yo baka nagugutom ka at walang maayos na tuluyan. Sandali nakapag-aral ka naman ba anak, ha?"
"Opo, libri lang naman po ang tuition sa public school, pero hanggang high school lang po ang tinapos ko dahil hindi ko rin kasi alam kung anong kurso ang pipiliin ko noon. Pakiramdam ko may ibang nakalaan para sa akin maliban sa magtapos ng kolehiyo saka parang hindi rin naman ako ganon ka galing sa eskwela."