akalain ni Althea na lumilindol. Yakap pa rin nang yakap si Althea kay Xander. "Mahal tahan na andito na ako, ligtas ka na..."
"Buti na lang dumating ka, halos hindi na ako makatayo kanina, akala ko mababagsakan na ako ng bubungan."
Muling yinakap ni Althea si Xander. Kaya yinakap na rin ni Xander si Althea. Unti-unting nahimasmasan na si Althea. Nakatingin ito sa mga mata ni Xander. Tiningan din ito ni Alexander sa mga mata at nginitian. "Kung ipasyal na lang kaya muna kita Althea. Gusto mo bang lumipad kasama ako?" mahinang tanong ni Xander kay Althea. Hindi sumagot si Althea kaya