XVII
Maya-maya ay biglang napasigaw si Althea nang pagkalakas-lakas. "Lumilindol! Lumilindol! Hindi na ako makatayo, tulungan mo ako Xander!" Biglang lumipad papasok ng bintana si Xander at agad na kinarga si Althea at mabilis na inilipad palabas ng nakabukas na bintana. Yumakap nang yumakap si Althea kay Xander habang inililipad siya nito papalayo sa kaniyang bahay. Palihim na tumatawa si Xander habang patuloy siyang yinayakap ni Althea. Ang hindi alam ni Althea sadyang yinugyog nang malakas ni Xander ang kanyang bahay na gawa sa kahoy para