ipinagpatuloy pa ni Xander ang kanilang paglipad. Nararamdaman na ni Althea ang malamig na simoy ng hangin mula sa kinalalagyan nila ni Xander. Maliwanag ang buwan, pinagmasdan ni Althea ang buong ka-Maynilaan. "Ang ganda pala dito sa taas Xander, nakatutuwang pagmasdan ang hilera ng mga naglalakihang mga gusali ng Maynila. Maging ang mahaba at nakakainis na traffic ay nakatutuwang pagmasdan mula dito sa itaas. Sabay-sabay na tumigitigil ang maraming sasakyan sa bawat eskinita at sabay-sabay ring nagtatawiran ang napakalaking grupo ng mga tao," puna ni Althea.
"Maganda talagang panuurin ang buong Maynila mula dito sa himpapawid, kaya nga naisip kong ipasyal kita rito," sagot naman agad ni Xander. Nakatayong nakalipad sina Xander at Althea habang linilibot nila ang bawat maisipan nilang puntahan. Maya-maya ay nakita ni Althea ang isang malaking karnabal. "Pwede