Xander ang malumanay na tunog ng musika na nagmumula sa barko. Dahan-dahan siyang gumagalaw at iniikot-ikot ng marahan si Althea. Hawak-hawak ni Xander si Althea sa kanyang balingkinitang beywang samantalang nakatingala naman kay Xander si Althea habang nakahawak ang dalawang mga kamay nito sa likod ng leeg ni Xander. Patuloy na tumutogtog ang napaka-romantikong musika. Tiningnang mabuti ni Xander ang mga mata ni Althea habang patuloy niya itong isinasayaw sa himapapawid. Lalong napapayakap si Althea kay Xander sa tuwing mararamdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin sa gitna ng maliwanag na gabi. Napakasaya nilang dalawa sa piling ng isa't isa. Nababasa ni Xander sa mga mata ni Althea kung gaano siya kamahal nito. "May aaminin sana ako sa iyo Althea..." marahang nitong bulong sa magandang kasayaw.