"Ha... ano ba 'yon Xander?" mahinang tanong ni Althea.
              "Kanina sa bahay mo... ang totoo niyu-"
               "Niyugyog mo ang bahay ko para magkalindol at matakot ako, para humingi ako ng tulong sa 'yo..." nakangiting sagot ni Althea.
              "Ha..."
               "Alam kong ginawa mo 'yon, kaya nagkunwari na rin akong natatakot para sagipin mo ako.  Ang totoo kinakantahan mo lang ako kanina ay nawala na agad ang takot ko sa 'yo, naisip ko na mahal na mahal ako ng taong ito at hindi ako kailan man 
makukuhang saktan nito.  Mahal na mahal pa rin kita Xander," mahinang pagtatapat nito sa binata.
             Nangiti si Xander sa mga narinig niya mula kay Althea.  Kaya tiningnan niya ito sa mga mata. Tinitigan niya ito nang