sinong nangangailangan," sagot naman agad nito.
           "Siyanga po pala, ano po ba ang pangalan niyo?" tanong ng bata.
           "Xander, ako si Xander." 
           Patayo, dahan-dahan niyang inilipad pababa ng kalsada ang bata habang buhat-buhat at binabalanse naman nang nakapulupot na manipis na lubid ang napakalaking bus.  Unti-unting namang inilipad pababa ni Xander ang malaking bus hanggang sa tuluyan nang sumayad ang mga gulong nito sa may kalsada.  Huminga nang malalim si Xander at agad namang umiksi at bumalik paloob ang manipis na lubid.  Labasan naman agad ang kanina'y takot na takot na mga pasahero.  Tumakbo silang lahat para salubungin ang ngayo'y pababa nang si Xander at ang karga-karga nitong batang lalake.  "Andito si mama mo anak!" sigaw ng