pabagsak ng bata; ibinuka nang mabilis at malakas ni Xander ang kanyang mga palad at lumabas ang manipis na lubid, agad nitong pinuluputan ang malaking bus. Binilisan niya ang paglipad at sa isang iglap lang ay nasalo niya ang mangiyak-ngiyak na bata, kinarga niya itong mabuti sa kanyang kanang balikat.  Napansin ni Xander na unti-unti nang dumarami ang mga nagkukumpulang  tao sa ibaba at kinukuhanan sila ng video gamit ang kani-kanilang mga camera.  Gulat na gulat ang mga tao sa kanilang nasasaksihan, hindi sila makapaniwala na sa panahong ito ay makakita sila ng taong napakalas at lumilipad, nagpapalakpakan sila habang patuloy na pinapanood ang kabayanihan ni Xander. Nakatitig lang ang bata kay Xander habang karga-karga niya ito pababa. "Maraming salamat po sa pagsagip ninyo sa akin, manong," pasasalamat ng batang lalake kay Xander. 
           "Walang ano man, kasiyahan ko ang makatulong sa kahit