sandali habang hawak-hawak ang kamay ng isa't isa.
Ilang sandali lang ay may kinuha si Xander. "Ito Althea natatandaan mo pa ba ang mga ito ha?" tanong ni Xander habang may iniaabot kay Althea.
"Oo naman, nagdala ka pa talaga niyan ha," natatawang sagot ni Althea.
"Naisip ko kasi nagsimula tayo sa dalawang hamburger kay minabuti ko na magsimula uli tayo sa pamamagitan nito," nakangiting tugon ni Xander kay Althea.
Kinuha agad ni Althea ang dala-dalang hamburger ni Xander at sinimulang kainin. Patuloy lang sa pagkain si Althea, "Oy ikaw hindi ka ba kakain ba't pinapanood mo lang yata ako, kainin mo rin iyang para sa 'yo."
Kaya kumain na rin si Xander. Magkahawak pa rin ang mga kamay nila habang kumakain ang dalawa. Tapos ay