ipinagbukas naman ni Xander si Althea ng isang lata ng cola.  
                "Sigi sabay na tayong uminom nitong cola," sabi ni Xander matapos buksan ang para sa kanya.
                Ilang sandali lang ay pareho nang naubos ni Xander at Althea ang malamig at masarap na cola.  Nanahimik silang muli habang nakaupo.  Matapos ay parang may napansin si Althea kay Xander.  May iba ka pa bang dala, ba't parang may itinatago ka pa yata diyan sa likuran mo, ano ba 'yan ha?" pabirong tanong nito.
                    Inilabas agad ni Xander ang tatlong mapupulang rosas mula sa likuran niya.  "Hindi ba sabi ko sa 'yo dati, kung may pera lang ako ibibili kita nito?"  Iniabot kaagad ni Xander ang limang bulaklak na rosas kay Althea habang nakatingin sa magandang mukha nito.