pinangarap makita at makasama kundi ikaw Althea. Mahal kita Althea, mahal na mahal. Tama ba ako sa aking pagkakaunawa na ako ang dahilan kung bakit nagawa mong suwayin ang minamahal at iginagalang mong mga lolo at lola Althea? Mahal mo rin ba ako ha Althea?" mahinang tanong ni Xander.
Hindi sumagot si Althea, bagkus ay tumayo ito at pinagmasdang mabuti ang lumang train sa harapan nila.
Kaya tumayo si Xander at hinawakan ang isang kamay ni Althea, hinatak niya ito paharap sa kanya. Tinitigan ni Xander ang mga mata ni Althea habang hawak-hawak ang dalawang kamay nito.
"Mahal kita Althea."
"Talaga bang mahal mo ako Xando?"
"Oo mahal na mahal kita Althea!" halos pasigaw nang sagot