Pilit pa rin nilang itinakda ang kasal naming dalawa.  Inipit pa ng lolo at lola ang mga pera ko sa bangko maski mga credit cards ko'y hindi rin nila pinalampas.  Kaya nahirapan akong makauwi pabalik dito sa Pilipinas.  Mabuti na lang at dumating ang kaibigan kong si Veronica,  tinulungan niya akong makatas isang araw bago ang kasal ko kay Robert.  Binayaran lahat ni Veronica ang pamasahe ko pauwi rito.
                "Mabuti naman pala't nagkaroon ka ng mabait at matulunging kaibigan dahil kung hindi malamang ay hindi na tayo muling nagkita pa."
                "Oo mabait at maaasahan ko talaga iyang si Veronica sa lahat ng bagay."
                "Ang tagal-tagal ko nang nanabik na muling makita ka Althea.  Simula ng mga bata pa tayo, alam na alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo.  Wala akong ibang babaeng