"Papa andito na po pala kayo sa bahay!" bulalas ng isang pitong-taong gulang na batang lalake. "Ang pasalubong ko po sabi mo dadalhan mo kami ni kambal ng dried mangoes galing Cebu, asan na po ba at nang matikman ko na, aba may bisita po pala kayo
papa, magandang gabi po."
"Bata ka, basta ka na lang tumakbo papasok ng bahay hindi mo man lang tinulungan ang kakambal mong buhatin ang mga pinamili natin sa mall," saway ng asawa ni Eric na kapapasok pa lang ng bahay.
"Oo nga ang daya-daya talaga nito, ako na lang lagi ang pinagbubuhat ng mga pinamimili natin," sabi naman ng isa pang batang lalake. "Magandang gabi po papa, saka sa inyo din po manong."