"Magandang gabi rin," sagot ni Xandro sa bati ng dalawang bata.
              "Eric may bisita ka pala."
              "Oo, sandali di ba sabi n'yo matatagalan pa kayong umuwing mag-iina dahil manonood pa kayo ng sini sa mall, ba't parang ang dali namang natapos ng sining 'yon at nakauwi agad kayo," pansin ni Eric.
              "Hindi kasi na reschedule ang showing ng papanuurin sana naming sini ng mga anak mo, tapos niyaya ko silang manood na lang ng iba pero ayaw naman kaya pumasok  na lang kami sa isang Fastfood Branch at kumain ng hamburger, spaghetti at halo-halo pagkatapos ay namili na rin kami ng mga gamit sa school ng mga bata saka ilang grocery items," paglalahad nang asawa ni Eric na si Rita.
            "Siyanga pala kasama ko si Xandro," pagpapakilala ni Eric