XV
         
           Napansin ni Zander na bukas ang mga ilaw sa loob ng kanyang kwarto.  Dahan-dahan siyang lumipad papasok.  Nadatnan niya ang nakaupong si Eric.  Napansin kaagad ni Eric na may dinaramdam si Xander.  Hinintay ni Eric na kusang magsalita at magtapat sa kanya si Xander.  Pinagmasdan niya itong mabuti habang dahan-dahan itong lumalakad palapit sa kanya, pero imbis na umupo sa harapan niya nagtuloy ito sa may bintana.  Nanatiling nakatayo at nakadungaw si Xander, malalim ang iniisip.  
          "Tito wala ka bang iba pang gustong ipagtapat sa akin, maliban sa nailahad mo na dati pa tungkol sa totoo kong pagkatao?" mahina at malungkot na tanong ni Xander sa kanyang Tito Eric.
           "Kung ganoon naganap na ang nakatakdang mangyari sa 'yo..." umpisa ni Eric.  "Sinubukan mo bang halikan si Althea sa muling pagkikita niyong dalawa, ha Xander?"
            Mula sa bintana, humarap si Xander kay Eric.  "Opo tito...