at... bigla na lang nahimatay si Althea sa harapan ko. Pero bago siya nahimatay nabanaag ko ang matinding takot sa mukha niya habang pinagmamasdan ako. Napasigaw si Althea nang malakas sa malabis na pagkatakot sa kanyang nasaksihang pagbabago sa akin. Natatakot sa akin ang pinakamamahal kong si Althea..." mahinang paglalahad ni Xander.
"Tama ka Xander may iba ka pang dapat malaman tungkol sa tunay mong pagkatao. Hindi ko ito sinabi sa 'yo dati, sa pag-aasang hahayaan ka ni Althea na mahalikan mo siya, nang sa gano'n ay makuha mo na kaagad ang kung ano mang dagdag na kapangyarihang nararapat mapasaiyo. Ang gusto ko sanang mangyari, maranasan mong mahalikan si Althea nang walang ibang iniisip o kadahilanan kundi ang nararamdaman niyong pagmamahal para sa isa't isa. Subalit dahil sa natuklasan mo na ang tungkol sa paglabas ng iyong mga pangil, siguro napapanahon na para