nag-aalalang si Veronica habang patuloy na ginigising si Althea. "Lynette! Lynette gising!"
Ilang sandali lang ay nagising na rin si Althea.
"Anong nangyari sa 'yo Lynette, ba't nahimatay ka?"
"Umalis na tayo rito Veronica, bilisan mo halika na!" takot
na takot pa rin si Althea sa nasaksihan niya kanina kay Xander. "Halika na Veronica bumalik na tayo, umuwi na tayo!"
Inakay naman agad ni Veronica si Althea patungo sa nakaparada nilang sasakyan sa di-kalayuan. Nagmamadali si Althea na makarating agad sa kanilang sasakyan. Nang marating nila ito ay agad pinagbuksan ng pintuan ni Veronica si Althea. Pinaupo niya agad ito sa may likuran. Matapos niyang maisara ito ay agad siyang pumasok sa harapan at dali-daling nagmaneho