XIV
Nahawakan at nasalo agad ni Xander ang nahimatay na si Althea. Takang-taka siya sa nangyari, hanggang sa unti-unti na rin niyang maramdaman ang kung anong bagay na sa loob ng bibig niya. Hinipo ni Xander ang mga labi niya. Nagulantang siya sa nakapa niya. "May pangil ako... tinubuan ako ng mga pangil..." hindi maipaliwanag ni Xander ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin nagigising si Althea. Maya-maya ay napansin niyang may isang babaeng papalapit sa kanila ni Althea. Napansin ni Xander na papalapit si Veronica sa kanilang dalawa ni Althea. Kaya dali-dali niyang binuhat ang nahimatay na si Althea at maingat na inihiga sa mahabang upuan. Matapos ay dali-dali siyang tumakbo papalayo sa lugar. At nang makalayo na ng kunti ay agad na lumipad paitaas. Gulong-gulo si Xander, hawak-hawak pa rin niya ang kanyang bibig at nararamdaman pa rin niya ang tumubong puting pangil. Mula sa itaas, nakita ni Xander na nakalapit na si Veronica sa tabi ng nahimatay na si Althea.
"Lynette, Lynette anong nangyari sa 'yo?" tanong nang