lubid sa itaas at gitna ng kanilang mga dibdib ay dahil sa
isang hula. Ginagamit nila ang manipis na lubid na ito sa pagkuha ng mga prutas sa mga puno at pagpitas ng mga bulaklak sa kagubatan. Ang punong kanilang kinukuhanan ng mga prutas ay lalong namumunga at ang halamang kanilang pinipitasan ng mga bulaklak ay lalong namumulaklak. Naniniwala sila na sa lahi ng mga manananggal na may puting pakpak ay isisilang ang isang makapangyarihang tao na magiging tagapagtanggol ng sangkatauhan at lilipol sa maraming masasamang aswang at manananggal. At ang makapangyarihang taong ito ay isisilang ng kanilang prinsesa. At ang prinsisang iyon ay ang iyong inang si Aryanna na kahuli-hulihang natirang lahi sa angkan nila. Nagtago siya nang nagtago, habang hinihintay ang pagdating ng lalakeng iibig sa kanya at magbibigay katuparan sa hula. At dumating nga ang iyong amang si Henry na nagmahal sa kanya nang lubusan sa