"Tama, at kaya ko lang pinalitan ang iyong pangalan ay upang pangalagaan ka. Nag-aalala kasi ako na baka magkamali kang isigaw ang pangalan mong Xander ay bigla ka na lang lumutang at maging kalahati sa harapan ng maraming tao. Pinili ko ang pangalang Xandro dahil malapit din naman ang tunog nito sa totoo mong pangalan. Saka napag-isip-isip ko na ilihim na muna sa 'yo ang tungkol sa totoo mong pagkatao noon dahil hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa iyong buhay."
"Kung ganon ako ay isa ring manananggal, ganon ba Tito Eric?" mabilis na tanong nito.
"Hindi rin, dahil ayon sa kwento ng mga magulang mo bago sila tuluyang mapaslang ng mga aswang at manananggal ikaw ay isang tao. Kaya pilit na pinapaslang ng masasamang manananggal na may itim na mga pakpak at may mahahabang dila ang lahi ng mga manananggal na may puting pakpak at may mahabang asul na