Eric na kung maari ay bumalik muna siya ng train station dahil naiwan daw niya roon ang kanyang pamangking nagngangalang Xandro, pero nagmatigas ang mga magulang ko't kapatid, hindi nila pinayagan pang makalabas pa ng bahay si Eric sa takot na baka makatakas pa itong muli.  At matapos nga ang isang linggo ay nakasal naman agad kami doon lang sa loob ng bahay namin," mahabang salaysay ni Cristina.
           "Pero ang nangyari ay hindi naman pala buntis ang babaeng ito, false alarm lang pala. At sa katotohan ay nagka-anak kami matapos pa ang napakahabang pitong taon," nanunuyang sabat ni Eric sa asawa.
            "Kaya...  iho,  Xandro sana ay mapatawad mo ako at ng buong pamilya ko sa mga nangyari noon," pagsusumamo nito habang hinahawakan ang dalawang mga kamay ni Xandro.