"Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya Eric," sabi ni Cristina. "Ganito kasi iyon, parang ako at ang mga kapatid ko ang naging dahilan ng pagkakaiwan sa 'yong mag-isa ng tito mo sa train station."
"Kayo po ang may kasalanan, papano nangyari 'yon?"
"Ganito kasi 'yon naisip ko na nabuntis ako ng Tito Eric mo, tapos nang makarating ang balitang ito sa mga magulang at kapatid ko, ay agad sinundan ng dalawang kapatid kong lalake ang tito mo sa may estasyon ng train para panagutin ito sa pagdadalang-tao ko. Kaya nang makita nila itong bumibili ng ticket ng umagang 'yon ay agad nila itong sinunggaban at kinaladkad papunta sa tinitirhan naming buong mag-anak. Doon ay tinakot at pinilit nilang pakasalan agad ako ni Eric para hindi raw mapahiya ang buong pamilya namin sa probinsya. Kaya binantayan at ikinulong nila ang Tito Eric mo sa loob ng aming bahay, nakiusap nang nakiusap si