dahan-dahang inilapag ng batang si Xander ang kapatid ni Henry.
Nang tuluyan nang sumayad ang mga paa ng kapatid ni Henry sa lupa ay agad siyang napaupo. Subalit buong tapang siyang tumayo at hinawakan ang itaas na bahagi ng katawan ni Xander. Papanong nakalipad ang batang ito gayong wala naman itong mga pakpak. Takot na takot pa rin siya at dahan-dahan siyang kumapa sa ibaba ng katawan nito. Naramdaman niyang may dalawang binti ang mga ito, maging ang dalawang mga paa ay naramdaman din niya. Unti-unti ay napagtanto niyang ang ibabang bahagi na katawan ni Xander ay hindi nakikita, hindi ito putol gaya ng ibang masasamang manananggal.
"Xander!" sigaw ng bata habang hawak-hawak ng kapatid ni Henry.