At biglang lumitaw ang mga paa at binti nito. Nabigla ang kapatid ni Henry sa biglang paglitaw ng mga paa ng bata. Nabitawan niya ito, at agad na naglaglag ang bata patungong lupa.
Umiyak ito ng umiyak habang patuloy na nakatingin sa nakababatang kapatid ni Henry. Lalo pang nagliyab ang malaking bahay at sa takot ng kapatid ni Henry dali-dali niyang kinarga si Xander at tumakbo nang pagkabilis-bilis palayo sa lumiliyab na bahay. Tumakbo siya nang tumakbo, palayo nang palayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang kanyang pinanggalingan. Huminto siya sa sobrang pagod, at pinagmasdan ang karga-kargang bata at niyakap niya ito nang mahigpit. "Mula sa araw na ito, ako na ang mag-aalaga at magpapalaki sa 'yo, hindi kita pababayaan pangako," at muli nitong niyakap ang bata nang mahigpit na mahigpit.